Video footage napanood na ng Taiwanese investigators
MANILA, Philippines - Napanood na kahapon ng mga Taiwanese investigator ang video footage na kuha ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa naganap na insidente sa Balintang Channel noong May 9, 2013.
Sinasabing naganap ang pamamaril sa Taiwanese fishing vessel sa karagatang bahagi ng overlapping territory ng Taiwan at Pilipinas.
Tumanggi namang magkomento sa video footage ang mga dayuhang imbestigador.
Ngunit ayon kay Andrew Lim, diplomatic affairs officer ng Taiwan Economic and Cultural Office o TECO, makatutulong ang napanood nilang video sa sarili nilang pagsisiyasat.
Sinabi naman ni Atty. Art Abiera, opisyal ng Manila Economic and Cultural Office o MECO, na dalawang oras na pinanood ng mga Taiwanese investigator ang video.
Kasama ang mga tauhan ng NBI ay isinunod namang inispeksiyon ng mga dayuhan ang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR na sangkot sa insidente.
Ngayong araw inaasahang makakaugnayan ng mga Taiwanese ang mga opisyal ng Philippine Coast Guard at BFAR.
- Latest