4-M estudyante sa high school, hindi makakapag-enroll – Solon
MANILA, Philippines - Dahil sa kakapusan ng public secondary schools kayat tinatayang mahigit sa apat na milyon kabataan ang hindi nakakapag-enroll ng high school sa bansa ngayon pasukan.
Ayon kay Act Teacher partylist Rep. Antonio Tinio, bukod sa shortage ng mga classroom sa elementarya ngayong taon ay dapat na din seryosong pag-usapan ang shortage sa high schools.
Ang nasabing problema ay dahil na rin sa kakapusan ng public secondary schools kung saan 4.6 milyon high school na may edad na 12-15 ang hindi naka enroll sa high school, kayat nakakadgdag pa sa 6.24 milyon Out of School Youth (OSY) sa bansa.
Sinabi ni Tinio, base umano sa rekord ay mayroong 7,268 public high school sa bansa noong 2011 habang sa elementary schools ay 38,351.
Paliwanag ni Tinio, lumalabas na mayroon lamang isang public high school sa kada limang elementary schools kung saan halos lahat ng barangay sa bansa ay mayroon nito samantalang ang high schools ay matatagpuan lamang sa urban areas at population centers lamang.
Kaya ang resulta nito 91porsiyento ng school age children ay naka-enroll sa elementary habang 62% lamang sa high schools.
Dahil dito kayat hinikayat ni Tinio ang administrasyong Aquino na gumawa ng programa upang magkaroon ng isang high school kada barangay.
- Latest