^

Bansa

Drilon, handang pamunuan ang Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinahiwatig kahapon ni Sen. Franklin Drilon na nakahanda siya para pamunuan ang Senado bunsod na rin ng lawak ng karanasan nito.

Sa isang panayam sa telebisyon sinabi ni Drilon na mas nakahanda na siyang harapin ang anumang sitwasyon sa Senado kahit pa sinasabing maikukumpara sa 24 republics ang 24 na miyembro ng Mataas na Kapulungan.

 â€œHaving gained the experience, I am better equipped to handle any situation in the Senate. They say there are 24 republics in the Senate,” ani Drilon.

Dapat din naman umanong intindihin ang 24 na senador lalo pa’t may mandato ang bawat isa sa kanila ng nasa 14 milyong botante.

Bagaman at ayaw pa rin umanong maging “presumptuous” ni Drilon na siya na ang susunod na SP kapalit ni Senate President Juan Ponce Enrile ipinagmalaki nito na mas may kapasidad siyang isulong ang mga panukalang batas na maghahatid ng reporma sa bansa.

Muli ring inamin ni Drilon na nagkasundo na sila ni Sen. Manny Villar na mananatili ang kowalisyon ng Liberal Party at ng Nacionalista Party para matiyak na mananatili sila sa mayorya at maisusulong ang mga panukalang batas na prayoridad ng administrasyon kabilang na ang pag-amiyenda sa Mining Law.

Nakahanda rin si Drilon na harapin ang magi­ging minorya sa Senado na sinasabing mas magiging “mabagsik” kumpara sa minorya ngayong 15th Congress.

 

BAGAMAN

DAPAT

DRILON

LIBERAL PARTY

MANNY VILLAR

MINING LAW

NACIONALISTA PARTY

SENADO

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with