^

Bansa

Imbestigasyon sa napatay na mangingisda: NBI at Taiwan Interpol nagkasundo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagkasundo ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) at Taiwan Interpol hinggil sa mga prosesong susundin sa isasagawa nilang imbestigasyon kaugnay ng pagkakapatay ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Taiwanese fisherman sa Balintang Channel.

Alinsunod sa kasunduan, uunahin muna ang pagsasagawa ng ballistic examination o pagsusuri sa mga armas na ginamit sa Balintang Channel incident  na nagtapos sa kamatayan ng ma­ngingisdang si Hung Shih Chen.

Ayon kay  NBI Deputy Director Virgilio Mendez,  matapos ang ballistic exa­mination ay susunod na susuriin ang mga sasak­yang pandagat na sinak­yan ng mga personnel ng PCG.

Ang mga susunod aniyang gagawin matapos ang naturang proseso ay saka pa lamang nila tatalakayin  ang susunod na gagawin ng mga im­bestigador ng Taiwan.

Handa rin aniya silang ipakita sa Taiwanese investigators ang video footage sa nasabing insidente.

Kasama sa mga humarap sa pagpupulong kahapon ay sina Mendez,  Atty. Art Aviera ng Manila Economic Cooperation (MECO), Taiwan chief pro­secutor Lin Yen Liang at iba pang opisyal ng NBI at Taiwan.

Hindi pa matiyak ng NBI kung gaano katagal mananatili sa Pilipinas ang mga Taiwanese na kinabibilangan nina Lin Yen Liang, Investigator-prosecutor, Liu Chia Kai, Investigator-prosecutor,  Tseng Shih Che, Investigator-prosecutor,  Chang Hung Jui, investigator, Lee Jia Jinn, Forensic,  Lee Jing Wei, firearm at  Lin Guh Tyng, technician.

Una nang dumating sa Pilipinas ang dalawang hindi pinangalanang Taiwanese investigator noong nakaraang linggo habang 3 pa ang hinihintay na darating anumang oras mula ngayon.

Sa kabuuan, aabot sa 11 kataong investigating team  mula sa Taiwan ang mag-iimbestiga sa Balin­tang Channel incident.

ART AVIERA

BALINTANG CHANNEL

CHANG HUNG JUI

DEPUTY DIRECTOR VIRGILIO MENDEZ

HUNG SHIH CHEN

LEE JIA JINN

LIN YEN LIANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with