Sa ‘torture’ case Ombudsman pinakikilos
MANILA, Philippines - Nanawagan sa Ombudsman ang isang grupo ng mga biktima ng torture at kanilang pamilya na aksyunan na ang kaso laban kina Tuao, Cagayan Mayor Francisco Mamba, kapatid nitong si William at mga tauhan nito.
Ito ay kaugnay sa kasong paglabag sa Violation Act at RA 7160, grave grave illegal detention, grave threats at coercion na naunang isinampa laban sa magkapatid na Mamba pero hindi pa rin ito nadedesisyunan ng Ombudsman hanggang sa kasalukuyan.
Ayon kay Marites Bueno, ina ng isa sa apat na menor de edad na napagbintangan ng pagnanakaw at tinorture noong 2009, tinalo nila sa Court of Appeals sina Francisco at William Mamba, et al suÂbalit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin naaaksiyunan ang pag-‘torture’ sa kanyang anak.
Inasunto ang mga Mamba at kanilang mga tauhan dahil sa ginawa umano nilang pagpapahirap noong taong 2009 sa mga kabataang sina Leomar Bueno, Lorenzo Haber, at magkapatid na Robin at Raymund RodriÂguez na may edad na 15, 17, 14, at 13 taong gulang nang panahon ng insidente.
Noong Huwebes, sa isang pagtitipon sa Arranz Grandstand sa siyudad ng Tuguegarao, muling ikinuwento ng mga ‘biktima’ ang umano’y sinapit nilang torture sa kamay ng mga tauhan ng mga Mamba kung paano sila binugbog at pinagsisipa, binalutan ng plastic bag sa ulo hanggang sa ‘di makahinga, pinasukan ng alambre sa ari, at pinatakan ng kandila sa buong katawan habang ‘pinaaamin’ sa bintang na pagnanakaw.
Noong Enero 2010, pinaboran ng Court of Appeals ang reklamo ni Bueno. Ayon sa korte, “Walang dudang si Leomar (Bueno) ay nasa ilalim ng proteksiyon ng Writ of Amparo, at (napatunayang) ang kanyang kalayaan at seguridad ay nilapastangan ng mga akusado.
- Latest