Pag-convene sa NSC vs China ‘di pa kailangan
MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ng Malacañang na hindi pa kailangang i-convene ang National Security Council o kaya ay magsagawa ng full Cabinet meeting upang pag-usapan ang patuloy na panghihimasok ng China sa teritoryo ng Pilipinas.
Ayon kay Deputy PreÂsidential Spokesperson Abigail Valte, mismong si Pangulong Aquino ang nagsabi na ipagpapatuloy lamang ang paglutas sa problema katulad ng mga ginawa noong nakaraan.
Sinabi pa umano ng Pangulo na epektibo naman ang ginagawa ng gobyerno na pagharap sa problema.
Tiniyak din ni Valte na hindi ipinagwawalang bahala ng gobyerno ang problema tungkol sa ginawang pagtatayo ng istruktura ng China sa pinag-aagawang teritoryo.
“At least, of course, we view it with the grave concern on what is happening, which is why we have chosen the path that we did,†sabi ni Valte.
Ipagpapatuloy din umano ang pagresolba sa problema sa diplomatikong paraan.
- Latest