^

Bansa

600 stranded Pinoy sa Jeddah makakauwi na

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang ilang buwang paghihirap at pag-aantay sa tinaguriang “Tent City” sa Jeddah, makakauwi na ang may 600 Pinoy workers na stranded sa Saudi Arabia.

Aakuin ng pamahalaan ang lahat ng gastusin sa plane ticket o airfare ng naturang 600 OFWs na nakatakdang umuwi.

“The government will take care of their airfare as well as other immigration fees,” ani Vice President Jejomar Binay na tumatayo ring Presidential Adviser on OFWs’ Concerns.

Ipinaliwanag ni Binay na nagtagal lamang ang repatriation sa mga stranded Pinoys na nagtayo ng kani-kanilang tent sa paligid ng Konsulado ng Pilipinas sa Jeddah dahil na rin sa kakulangan ng kanilang exit visas mula sa kanilang employer. 

Hindi pa inaanunsyo ng DFA ang takdang araw ng pagdating ng 600 Pinoy na karamihan ay mga run-aways o tumakas sa kani-kanilang amo. 

 

AAKUIN

BINAY

IPINALIWANAG

JEDDAH

KONSULADO

MATAPOS

PINOY

PRESIDENTIAL ADVISER

SAUDI ARABIA

TENT CITY

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with