PST Act, nilagdaan ng Pangulo
MANILA, Philippines - Nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino lll ang Philippine Standard Time (PST) Act of 2013 kung saan ay inaatasan ang lahat ng ahensiya ng gobyerno at local government units na gamitin ang opisyal na oras na mula sa PAGASA.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ang Republic Act 10535 o PST Act of 2013 ay nilagdaan ng Pangulo nitong Mayo 15.
Inaatasan ng batas na ito ang lahat ng ahensiya at LGU’s gayundin ang mga paaralan, pribadong opisina, tv at radio stations na makipag coordinate sa PAGASA para ma-synchronized ang kanilang official time piece at devices kada buwan.
Wika pa ni Usec. Valte, ang mga may-ari ng television at radio stations na hindi tatalima sa PST ay pagmumultahin ng P50,000 sa 1st offense at cancellation ng kanilang prangkisa sa 2nd offense.
Nakasaad din sa RA 10535 na ipagdidiwang ang National Time Consciousness Week kada unang linggo ng taon.
- Latest