Taumbayan sa Cagayan tinatakot: Saklolo P-Noy!
MANILA, Philippines - Libu-libong taumbayan sa Tuguegarao, Cagayan ang nanawagan ng tulong kay Presidente Noynoy Aquino dahil sa umano’y pananakot sa kanila ng isang maimpluwensiyang pamilya sa lalawigan. Nagtipon ang maraming tao sa Arranz Grandstand sa pag-apela sa Pangulo.
“Nais nang manindigan ang publiko laban sa karahasang ginawa sa kanila,†pahayag ni Atty. Minehaha Liggayu, isang abogado mula sa Provincial Legal Office. “Pinakiusapan kami ng iba’t ibang opisyal, grupo, sektor, at ordinaryong mamamayan upang bigyang pagkakataong makapagsalita ang mga CagaÂyano.â€
Ayon kay Zosimo Reboredo, punong barangay ng Barsat East sa bayan ng Baggao, Cagayan, noong kampanya daw ay pinagbantaan siya sa telepono ng isang lalaking nagpakilalang si William Mamba, natalong kandidato para gobernador sa lalawigan.
“Pinagbantaan niya ako na kapag matalo raw siya sa barangay namin ay babalikan niya ako kaya humihingi ako ng tulong sa inyo Pangulong Noynoy na sana’y matulungan mo kami na matigil ang pananakot at pagbabanta sa aming mga lider,†pahayag ni Reboredo.
Ganun din ang naging kuwento ni Reymundo Duldulao, punong barangay ng Masical sa bayan din ng Baggao town, na umano’y pinagbantaan ng mga “tauhan ni Mamba†na babalikan sa kanyang tahanan kapag ‘di nito sinuportahan ang kandidatura ni Mamba.
Sa inihandang pahayag na binasa ng isang Bing Sanchez, kinatawan ng Provincial Employees Association of Cagayan for Efficiency (PEACE), umapila rin ang grupo na repasuhin ng Pangulo ang komposisyon ng kanyang gabinete, “lalung-lalo na si PLLO (Presidential Legislative Liaison Office) Sec. Mamba na kung ito ay tunay na tumatahak sa ‘Tuwid na Daan’â€
Sa pagtitipon, inihayag ng mga saksing sina JuaÂnito Duruin, Arnold Bacunot at Cleto Aresta ng Bgy. Jurisdiccion, kung paano, noong araw ng eleksiyon, biglaang pinasok umano ni PLLO (Presidential LeÂgislative Liaison Office) Sec. Manuel Mamba ang Jurisdiccion Elementary School kasama ang ilang pulis na armado ng mga AK-47 at armalite, at mga sibilyang may tangang clutch bag. Ayon sa kanilang salaysay, pinagbantaan umano ng grupo ang Board of Election Inspectors (BEI) sa paaralang pinagdarausan ng halalan.
Sa kanilang motorcade sa mga barangay ng Baybayog at Calantac sa parehong bayan, ganun din daw ang ginawa ng grupo ni Mamba, “nanakot ng mga tao sa lugar ng halalan.†Nakarinig din umano ng putok ang mga saksi sa pagdaan ng convoy sa gitna ng bayan malapit sa Centro Norte Elementary School.
Isang reklamo na inihain ng taumbayan ng Alcala sa Commission on Elections noong ika-21 ng Mayo 2013 laban kay Mamba at kanyang mga kasamahan. Hindi kukulangin sa 30 mga saksi ang nag-prisinta ng kanilang affidavit bilang pagpapatunay sa kuwento nina Duruin, Bacunot at Aresta.
Maaalalang sa kuwento ni Mamba, grupo ng nakaupong Gob. Antonio ang tumambang sa kanyang motorcade sa kalagitnaan ng bayan ng Alcala, sa harap mismo ng istasyon ng pulis.
Pinabulaanan naman ito ng mga nagsalita sa pagtitipon, kabilang na ng panganay ni Antonio na si Tin. Nagtala si Antonio ng 282,647 na boto, may kalamangang 165,691 laban kay Mamba.
- Latest