Ospital nasunog: 195 pasyente inilikas
MANILA, Philippines - Umaabot sa 195 pasÂyente ang inilikas matapos na masunog ang mental hospital sa Davao City, Davao kahapon ng umaga.
Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, wala namang iniulat na napahamak sa 195 pasyente ng Davao Mental Hospital.
Bandang alas-6 ng umaga ng tupukin ang apat na gusali ng nasaÂbing hospital kung saan naka-confine ang mga pasyente.
Ayon sa imbestiÂgasyon, ang sunog ay nagsimula sa ward ng mga babaeng pasyente na mabilis na kumalat ang apoy sa intensive care unit ng nasabing medical facility.
Naging alerto naman ang hospital staff na mabilis na inilikas ang mga pasyente sa ligtas na lugar.
Agad namang rumesÂponde ang mga bumbero at naapula ang apoy bandang alas-8:50 ng umaga habang patuloy naman ang pagsisiyasat ng mga arson investigator.
- Latest