^

Bansa

Biggest winners and losers

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagkakaisa ang mga political analyst na matapos ang senatorial polls, lumitaw  ang mga “biggest winners” base sa nakuhang boto at mga biggest losers na kahit nakapasok sa “magic 12” ay ilang milyon ang nawala sa kanilang boto habang may consistent na pasok sa survey sa Magic 12 ay hindi naman pinalad.

Ayon kay Mon Casiple, kung batay sa statistic, bentahe sa sinumang senador na makakuha ng malaking pagtaas sa boto dahil nakikita na luma­lawak ang kanyang balwarte at tumataas ang popularity na karaniwan umanong ginagawang batayan sa posibleng reelection o pinupuntiryang mas mataas na posisyon.  Sa pulitika aniya, hindi sapat na nanalo lamang kundi mahalaga kung gaano kalaki ang lamang sa kalaban.

Si Grace Poe ang pinaka-biggest gainer. Bagamat pumapasok sa Magic 12 surveys ay hindi inasahan na magi­ging topnotcher sa botong 20M. Ito ang umano’y pinakamalaki sa kasaysayan ng eleksyon na nalampasan ang 19.4M votes na nakuha ni Mar Roxas noong 2004.

Ikalawa sa tinuturing ng mga political analyst na biggest winner sa hanay ng mga reelectionist senators ay si Sen. Alan Cayetano na bagamat no. 9 lamang noong 2007 elek­syon ay inukupa nito ang No 3 spot sa 2013 election na naungusan si Sen. Chiz Escudero, tumaas ng halos 50 porsiyento ang boto ni Cayetano na mula 11M ay naging 17.5M, sa tumataas na popularity ni Cayetano ay kinokonsi­dera ito ng mga analyst na isa sa posibleng presidentiables sa 2016.

Si Koko Pimentel ay biggest winner din na mula sa No 12 spot noong 2007 ay tumaas sa No. 8 spot dahil lumobo ang nakuha nitong boto ng 33 porsiyento o P14.6M habang ang katunggali niyang si Migz Zubiri ay hindi pinalad sa Magic 12.

Kabilang din si Nancy Binay sa mga winner dahil sa kabila ng atake dito na karamihan ay personal ay nakapwesto pa rin sa No 4 slot, ayon sa mga analyst, ang pangalang Binay at ang magandang adverti­sing strategy ang syang nakatulong dito.

Samantala una naman si Sen. Chiz Escudero sa hanay ng mga biggest losers, mula sa dating bansag na “darling of the electorate” ay nawawala na umano ang karisma ni Escudero na bumaba ng mahigit sa 1M ang nakuhang boto bunsod na rin  umano ng mga kontro­bersiyang kinasasangkutan pangunahin na pagtawag sa senador na lasenggo at walang modo ng mga magulang ng kanyang kasintahan na si Heart Evangelista bukod pa dito ang kuwestiyunableng paggamit nya ng pork barrel.

Tinuturing naman na nakaapekto sa kanyang pagiging consistent No. 1 sa senatorial race ang usapin ng pagkakaroon ng property ni Sen. Loren Legarda sa New York City na hindi nito ideneklara sa kanyang SALN.

Biggest loser din si Jack Enrile na bagamat pumapasok sa surveys ay hindi naman pinalad sa Magic 12 sa kabila ng tambak na political ads nito at text brigade, hindi umano nagawang mapantayan ng batang Enrile ang kanyang ama na noong 2007 election ay nakapasok sa No 5 spot sa botong 13.5-M

Kumpara kay Nancy na ang apelyidong Binay ay humatak sa kanya pataas ang pangalang Enrile naman ay hindi umano nakatulong kay Jack na sa gitna ng campaign period ay natuon ang kanyang oras sa pagpapaliwanag sa publiko na wala itong kinalaman sa isyung pagpatay sa actor na si Alfie Anido at sa Dela Salle Student na si Ernest Lucas.

ALAN CAYETANO

ALFIE ANIDO

BIGGEST

BINAY

CAYETANO

CHIZ ESCUDERO

DELA SALLE STUDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with