^

Bansa

Ex Mayor ng Dapitan, hinatulang makulong ng 8 taon

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinatulan ng Sandiganbayan na makulong ng 8 taon ang ex-municipal mayor ng  Dapitan City na si Joseph Cedrick Ruiz dahilan sa pagbubulsa sa P1-milyon halaga ng Confidential Intelligence Fund (CIF) mula 1998  hanggang 2001.

Sa 27-pahinang desisyon na nilagdaan ni  Associate Justice Efren N. De la Cruz, napatunayan ng Sandiganbayan First Division  na si Ruiz ay lumabag sa Section 3 ng  Republic Act (RA) No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act)  at paglabag sa  Article 217 (Malversation) ng Revised Penal Code.

Bukod sa pagkakakulong, si Ruiz ay hindi rin pinapayagan na makapagtrabaho pa sa alinmang posis­yon sa gobyerno at pinagmumulta din ito ng P950,000 na kasinghalaga ng binulsa nito at inatasan din ito na  ibalik sa city of Dapitan ang nasabing salapi.

Sinasabing hindi naipaliwanag sa graft court ni Ruiz kung saan napunta ang pera kaya pinapalagay na ginamit nito sa pansariling interest.

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

ASSOCIATE JUSTICE EFREN N

CONFIDENTIAL INTELLIGENCE FUND

DAPITAN CITY

JOSEPH CEDRICK RUIZ

REPUBLIC ACT

REVISED PENAL CODE

RUIZ

SANDIGANBAYAN FIRST DIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with