^

Bansa

Dahil sa mababang turnout ng OAV Internet voting isusulong ng COMELEC

Doris Franche-Borja at Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinag-aaralan at nais isulong ngayon ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsasagawa ng internet vo­ting sa hanay ng mga manggagawang Filipino na nasa ibang bansa.

Ayon kay COMELEC Chairman Sixto Brillantes, dismayado siya sa mababang resulta ng Overseas Absentee Voting (OAV)  sa katatapos na  May 13 midterm elections.

Bunsod nito, pinag-iisipan nila ngayon ang paggamit ng internet upang mahikayat ang mga overseas absentee voters na lumahok sa halalan sa bansa lalo pa’t marami na ang gumagamit ng internet.

Lumilitaw na  117,383 botante  lamang ang lu­ma­hok sa OAV, o katumbas ng  16% ng 737,759 registered voters. Mas mababa ito sa 25% vo­ters turnout ng OAV noong 2010 elections.

Naniniwala si Brillantes na sa pamamagitan  ng internet voting ay maaaring tumaas ang voter turnout nang   mula 60% hanggang 70%.

Samantala, nais naman ni Senator Franklin Drilon na ipaliwanag ng COMELEC at ng Department of Foreign Affairs (DFA)  ang napakahinang partisipasyon ng absentee voting sa ibang bansa.

Sinabi ni Drilon, ma­laki ang budget ng COMELEC at ng DFA para sa malawakang implementasyon ng OAV law pero kakaunti lamang ang nakiisa sa absentee voting.

Nakakadismaya ani­ya ang tila bigong im­ple­mentas­yon ng nasabing batas na ipinasa para na rin maka­boto ang mga Pinoy na nasa labas ng bansa.

Aniya, dapat ipaliwa­nag ng DFA at ng COMELEC kung bakit nabigo sila sa kanilang kampanya.

“Its seems that less and less Filipinos abroad are inclined to exercise their right to vote, contrary to the intention of Congress when this law was enacted,” sabi ni Drilon.

ANIYA

AYON

BRILLANTES

CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DRILON

OVERSEAS ABSENTEE VOTING

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with