^

Bansa

Joint investigation ng PH at Taiwan hindi papayagan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling nanindigan kahapon si Justice Secretary Leila de Lima na hindi niya papayagan ang pagsasagawa ng joint investigation ng  mga awtoridad mula sa Taiwan at Pilipinas  sa naganap na insidente ng pagkamatay ng isang Taiwanese fisherman na  pumasok sa karagatang sakop ng bansa na nabaril ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon kay De Lima, may sariling proseso o sistema ng hustisya ang Pilipinas at may sariling sistema ring sinusunod ang Taiwan.

Hindi aniya, maaaring makialam ang dayuhan  sa sariling proseso ng mga Pilipino lalo na ngayong  nasa kasagsagan na ang pag-iimbestiga ng National Bureau of Investigation.

Ipinahiwatig ni De Lima na posible lamang  magkaroon ng  joint probe  kung may makikialam na mas mataas sa kanya, subalit sa kanyang level ay hinding-hindi niya papayagan.

Samantala, kinumpirma kahapon ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chair Amadeo Perez na maraming pulis na ipinakalat sa Kaohsiung at sa mga karatig na lugar sa Taiwan para hanapin ang mga nanakit sa ilang kababayan nating Pinoy na pinalo ng baseball bat sa nasabing bansa.

AYON

CHAIR AMADEO PEREZ

DE LIMA

IPINAHIWATIG

JUSTICE SECRETARY LEILA

MANILA ECONOMIC AND CULTURAL OFFICE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PHILIPPINE COAST GUARD

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with