^

Bansa

200 private school pinayagang magtaas ng matrikula

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May kabuuang 200 pribadong paaralan sa elementarya at high school sa National Capital Region pa lamang  ang inaprubahan ng Department of Education (DepEd) na magtaas ng singil sa matrikula ngayong darating na pasukan.

Ayon kay Education Secretary Armin Luistro, nasa 6 porsyento ang inaprubahan nilang pagtataas at hindi na dapat lalagpas dito.

Idinahilan ni Luistro na kailangan ang naturang pagtataas para sa pampasuweldo sa mga guro, pagsasaayos ng mga pasilidad, at iba pang kagamitan.

Samantala, inilunsad na kahapon ng DepEd ang taunang Brigada Eskwela sa Philippine School for the Deaf sa Pasay City upang maihanda ang mga paaralan sa pasukan sa pamamagitan ng pagkukumpuni, pagpipintura at paglilinis sa mga silid-aralan.

Katuwang ng DepEd ang ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of the Interior and Local Government, Armed Forces of the Philippines, mga lokal na pamahlaan, mga non-government organizations, pribadong sektor, mga magulang at mga estudyante.

Nabatid na aabot sa 25 milyong mag-aaral ang babalik sa mga paaralan sa Hunyo 3 kung saan 20.5 milyon ang nasa mga pampublikong paaralan.

Nabatid na unang inumpisahan ang Brigada Eskwela noong 2003 at nasa 10 taon na ang implementasyon. Dito nakatitipid ang DepEd sa pagkukumpuni sa mga paaralan lalo na sa mga lugar na tinatamaan ng kalamidad.

 

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BRIGADA ESKWELA

DEPARTMENT OF EDUCATION

EDUCATION SECRETARY ARMIN LUISTRO

NABATID

NATIONAL CAPITAL REGION

PASAY CITY

PHILIPPINE SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with