HLURB may kinikilingan sa GVHAI
CAVITE, Philippines – PinaÂniniwalaang may kiÂnikilingan ang paÂmunuan ng Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB)-South ern Tagalog Region (Region IV) kaugnay sa pagbibigay ng kaÂpangyarihang mangoÂngolekta ng bayad sa tubig sa mga residente at toll fees sa mga motorista sa nag-aklas na mga kawani ng PAGCOR kung saan nagsagawa ng snap election sa Gardenia Valley Homeowners AsÂsociations, Inc. sa Barangay Molino 3, Bacoor City, Cavite noong Marso 24, 2013.
Sa memorandum order na may petsang Mayo 10, 2013 na nilagÂdaan ng tumatayong HLURB arbiter na si Atty. Jojee Nepomuceno, panÂsaÂmanÂtalang binigyan ng pamahalaan ang grupo ni Rodulfo “Bebot†MaÂnatad para maningil sa mga residente kahit labag sa saligang batas ng nasabing asosasyon at pagtutol ng nakararaming residente.
Dahil sa nasabing meÂmorandum ni Atty. NeÂpomuceno ay lalong lumala ang kaguluhan sa GVHAI na posibleng dumanak ng dugo kapag hindi inaksyunan ng paÂmunuan ng HLURB.
Dahil dito, personal na nakipagpulong sa mga residente si Atty. Banjin, hepe ng homeowner asÂsociation ng nasabing rehiyon sa ilalim ng HLURB kahapon ng umaga.
Wala namang naibiÂgay na katugunan si Atty. Banjin sa kahilingan ng nakararaming resiÂdente na magdaos ng snap election laban sa nagtatagisang pamunuan nina Bebot Manatad at Wanda Dangan kundi ang pakikipagpulong ngayong umaga (Mayo 20)
Nasaksihan mismo ni Atty. Banjin ang hinaing ng GVHAI kaugnay sa ginaÂgawang panghaharas ng grupo ni Manatad kung saan sinasabing illegal na inukupahan ang main office ng GVHAI at ang opisina sa ibabang bahagi ng nasabing subdibisyon gamit ang mga armadong sekyu.
Maging ang basketball court na ipinaÂtayo ng mga lehitimong miyembro ng GVHAI ay hindi ipiÂnagagamit sa mga resiÂdente na sinasabing nagmistulang pagmaÂmay-ari ng grupo ni Bebot Manatad.
Nabatid din na maaÂpektuhan ng serbsiyo ng tubig ang tinatayang aabot sa 600 residente kapag pinutulan ng linya ng kuryente ang GVHAI kung saan dalaÂwang buwan na ang pagÂkakautang nito sa Meralco.
Hindi naman tiÂnangÂgap ng mga resiÂdente ang paliwanag ni MaÂnatad kaugnay sa naÂkaÂtakdang pagÂputol ng kuryente bagÂkus ay ipinaabot ang rekÂlamo sa paÂmunuan ng HLURB.
- Latest