Gamit pang-eskuwela tumaas na ang presyo -- DTI
MANILA, Philippines - Inabisuhan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko lalo na ang mga ina ng mga estudyante na mamili na ng maaga dahil unti-unti ng tumataas ang halaga ng mga “school supplies†ngayong nalalapit na ang pasukan sa mga paaralan sa darating na Hunyo.
Sinabi ni DTI-NCR Director Ferdinan Manfoste na huwag lamang ang presÂyo ng mga produkto ang isaalang-alang ng mga mamimili sa halip ay pagtuunan din ng pansin ang kalidad ng kanilang binibili.
Partikular nitong tinuÂkoy ang mabababang haÂlaga ng mga imported na mga “school supplies†gaÂling China ngunit mababa naman ang kalidad kumpara sa mga local na gawa sa Pilipinas.
Aniya mas mapapaÂmahal ang mga magulang dahil sa mabilis masira ang mga lapis, kraÂyola at iba pang imported na gamit at kailangan magÂpaulit-ulit sa pagbili.
Mas mainam umaÂnong bilhin ang mga proÂduktong na may “label†at nakasulat ang pangalan at “contact information†ng “manufacturer†upang mahabol ng mga mamiÂmili kapag nagkaroon ng problema.
Sa Divisoria, sinabi ng mga negosyante na posibleng magtaas na sila ng presyo ng mga “school supplies†isang linggo bago ang pasukan sa Hunyo 3. Mas tumataas na rin umano ang presyo ng kanilang pinagkukunan kaya nagtataas sila ng halaga.
Tiniyak naman ng DTI na may sapat na suplay ng “school supplies†bago ang pasukan. Inilunsad na rin ng ahensya ang kanilang “Diskuwento Caravan†nitong Mayo 6 pa sa opisina sa Buendia, Makati City kung saan makakabili ng mga “school supplies†na pampabrika ang presyo. Magtatagal ang “Diskuwento Caravan†hanggang Hunyo 15 kung saan iikot ito sa iba’t ibang lugar sa bansa.
- Latest