^

Bansa

Sinaksak at hinataw ng baseball bat… 2 OFWs utas sa Taiwan

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang Overseas Filipino Workers (OFWs) ang umano’y nasawi habang isa pang Pinoy ang malubhang nasugatan ma­­tapos na atakihin ng mga galit na galit na Taiwanese sa Taiwan kasunod ng pagkakapatay ng mga kagawad ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang mangingisdang Tai­wanese na ilegal na pumasok at nangisda sa Balintang Channel na sakop ng Pilipinas.

Beni-beripika na ng Manila Economic and Cul­ture Office (MECO) na na­kabase sa Taiwan ang report na isang Pinay ang nasawi makaraang pagsasaksakin ng mga Taiwanese sa isang probinsya sa Taiwan.

Ang nasabing ulat ay unang ipinarating ng isang OFW na si Karren Yabut Viernes, isang caregiver sa Taipei sa isang himpilan ng radyo sa Cagayan de Oro.

Isa namang Pinoy ang nasawi sa ospital ma­tapos umanong pagtulungan ng isang grupo ng Taiwanese na paghahatawin ng baseball bat habang nagla­lakad ito galing sa trabaho.

Isa pang OFW na kinilalang si Joel de Leon na kabilang umano sa mga Pinoy machine workers  ang malubhang nasuga­tan nang paghahampasin ng baseball bat ng may anim na Taiwanese nationals na sumugod sa kanilang tinitirhang dor­mitoryo sa Csinchu, Taiwan.

Nakuhang manlaban ang mga Pinoy sa nasabing dormitoryo na malapit lamang sa isang police station subalit nagawang makatakas ang mga umatakeng Tai­ wanese.

Gayunman, hirap na makalakad si de Leon dahil sa matinding palo at mga hampas na inabot sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan ng mga galit na Taiwanese.

Bunsod sa matin­ding karahasan na ina­ abot ng mga Pinoy sa Taiwan, nagpalabas na ng abiso si MECO chairman Amadeo Perez Jr. sa lahat ng mga OFWs na mag-ingat at huwag lumabas ng kanilang tirahan habang hindi pa humuhupa ang galit ng mga Taiwanese.

Matinding takot na ang nararanasan ng may 85,000 OFWs sa Taiwan dahil na rin sa nararanasang panggigipit, pagmamaltrato at diskriminasyon sa kanila. Iniulat na pinagbawalan at tinatanggihan na rin ang mga Pinoy na pasakayin sa pampublikong sasakyan at maging sa taxi, inaaba­ngan sa kalye ng mga kalalakihang Taiwanese na armado ng mga baseball bat at hindi na sila pinagbebentahan ng kanilang pagkain.

 

vuukle comment

AMADEO PEREZ JR.

BALINTANG CHANNEL

DALAWANG OVERSEAS FILIPINO WORKERS

ISA

ISANG

KARREN YABUT VIERNES

PINOY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with