NFA namahagi ng bigas sa BASULTA
MANILA, Philippines - Namahagi ang National Food Authority (NFA) ng may 162,037 sako ng bigas sa mga residente ng Basilan, Sulu at Tawi-Tawi (BASULTA) bilang suporta sa mga nagsibalikang mga Pilipino mula sa Sabah Malaysia.
Ang naturang mga benepisyaryo ng bigas ay galing sa Sabah na umalis doon dahil sa nagdaang Sabah standoff.
Noong April 30, nagpadala ang ahensiya ng 2,200 sako ng bigas sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga taga Tawi-Tawi at Sulu.
Ayon sa NFA, normal na ang sitwasyon sa BASULTA laluna sa halaga ng presyo ng mga pangunaÂhing bilihin pero kailangan pa nilang tulungan ang mga residente upang unti-unting umangat ang kabuhayan.
- Latest