Pagmamaltrato sa mga OFWs sa Taiwan, ikinalungkot ng CBCP
MANILA, Philippines - Nagpahayag ng pagkalungkot at pagkabahala si CBCP-Episcopal Commission on Migrant and Itinerant People, Executive Secretary Rev. Fr. Edwin Corros sa ulat na may mga Overseas Filipino Worker (OFWs) ang minamaltrato at sinasaktan sa bansang Taiwan.
Ayon kay Fr. Corros, nakakalungkot ang pangyayaÂring ito dahil ang mga OFWs ang laging nalalagay sa balag ng alanganin at kapahamakan tuwing may political at economic crisis sa iba’t-ibang bansa.
Kaugnay nito, hinimok ng pari ang pamahalaan na gumawa ng mga polisiya na pakikinabangan ng mga OFW at hindi ng mga dayuhan.
Nilinaw naman ng pari na hindi lahat ng mga Taiwanese ay masama. Aniya, maraming mga Taiwanese ang mababait at very accomodating.
- Latest