Liberal Party mangunguna sa Kamara
MANILA, Philippines - Patuloy pa rin maÂmamayagpag sa Kamara ang malaking bilang na miyembro ng Liberal Party (LP) na pinalad na manalo sa nakalipas na halalan.
Sinabi ni Majority Leader at Mandaluyong Rep. Neptali Gonzales II, karamihan umano sa mga tumakbong re-electionists at baguhang kongresista ay miyembro ng LP.
Tiwala din ang mamÂbabatas na mananatili sa kaniyang pwesto si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. bagama’t malaki ang posibilidad na tapatan ito ng presidente ng Lakas-CMD na si Leyte Rep. Martin Romualdez.
Si Romualdez ay siyang napipisil ni out-going House Minority Leader Danilo Suarez na ipapalit sa kaniyang puwesto.
Aminado naman si Gonzales na meron ding mga distrito kung saan natalo ang mga LP members subalit lamang pa rin umano ang nanalo sa pagka-kongresista na kasapi ng LP gaya na lamang ni Aga Muhlach ng 4th district ng Camarines Sur.
Ngayong 16th Congress ay aabot umano sa 110 na kongresista ang kasapi ng LP.
- Latest