^

Bansa

Sa pagkamatay ng mangingisda… PNoy nag-sorry sa Taiwan

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Humingi na ng paumanhin si Pangulong Benigno Aquino III sa Taiwanese government kaugnay sa pagkamatay ng isang Taiwanese fisher­man na nabaril at napatay ng Philippine Coast Guard noong Mayo 8 sa karagatan ng Batanes.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacier­da, mismong si Manila Economic and Cultural Office (MECO) chairman Amadeo Perez ang inatasan ni Pangulong Aquino upang ipahatid ang public apology ng gobyerno sa Taiwan government.

Ayon pa kay Sec. Lacierda, walang kinalaman ang ginawang ultimatum ng Taiwan government sa ginawang public apology ni Pangulong Aquino. 

“It was a personal decision on the part of the President to convey-to authorize Chairman Perez as his personal representative to convey his personal apologies to the family of Mr. Hung Shi-chen,” wika pa ni Sec. Lacierda.

Magugunita na nag­banta ang Taiwan govern­ment sa pangunguna ni President Ma Ying-jeou na kapag hindi humingi ng public apolo­gy ang Aquino government at nagbayad ng tamang kompensasyon sa napaslang na 65-year old na taiwanese fisherman ay ipapatupad nito ang freeze sa hiring ng mga OFW’s.

Inatasan na rin ng Pangulo ang National Bureau of Investigation upang imbestigahan ang insidente kung saan napatay ang Taiwanese fisherman.

Iginiit ni Lacierda na umaapela din sila sa Taiwan government na huwag idamay ang mga OFW’s na naroroon sa Taiwan dahil sa ­insidente.

Aniya, naroroon ang mga OFW’s upang magtrabaho ng disente kasabay ang paglilinaw na magiging patas ang gagawing  imbestigasyon ng NBI sa insidente.

Idinagdag pa ni La­cierda, maging ang mga Pinoy na nasa Taiwan ay nagbigay ng kanilang kusang-loob na tulong sa nasawing Taiwanese fisherman.

vuukle comment

AMADEO PEREZ

CHAIRMAN PEREZ

LACIERDA

MANILA ECONOMIC AND CULTURAL OFFICE

MR. HUNG SHI

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PHILIPPINE COAST GUARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with