^

Bansa

P88-M Vietnam rice isusubasta ng BOC

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakatakdang isubasta ng Bureau of Customs ang 94,000 sako ng Vietanamese rice na nakumpiska noong Setyembre 2012 sa pier sa Legazpi, Albay.

Ayon kay BoC Comm. Ruffy Biazon, nagkakahalaga ng P88 milyon ang nasabing mga bigas.

Nais nito na magkaroon ng kaukulan at patas na pagsusubasta sa nasabing mga bigas kaya naman bubuksan maging sa media  at Commission on Audit ang pagsusubasta ng mga ito para matiyak na hindi magkakaroon ng anumang dayaan.

“We will make sure that the prescribed procedures are followed to ensure the integrity of the auction,” ani Biazon.

Ang kargamento ay nakatakdang isubasta bukas, araw ng Miyerkules (Mayo 15) kung saan ito ay dumating sa bansa sakay ng cargo ship na Minh Tuan 68.

Kinumpiska ang naturang mga bigas matapos na mabigo ang consignee nito na Kapatirang Takusa, Ugnayang magbubukid ng San Isidro Inc., Malimpanang Concerned Citizens Inc., at Samahan ng Magsasakang Kapampangan at Katagalugan, na makapagpakita ng tamang dokumento na nagpapatunay na nagbayad ito ng tamang buwis sa gobyerno.

Ayon sa BOC, sumobra ang nasabing mga con­signees sa itinakdang rice import allocation ng National Food Authority.

 

AYON

BUREAU OF CUSTOMS

KAPATIRANG TAKUSA

MAGSASAKANG KAPAMPANGAN

MALIMPANANG CONCERNED CITIZENS INC

MINH TUAN

NATIONAL FOOD AUTHORITY

RUFFY BIAZON

SAN ISIDRO INC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with