^

Bansa

PGC nag-sorry sa pamilya ng napatay na Taiwanese national

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nag-sorry ang Philippine Coast Guard sa pamil­ya ng Taiwanese na nasawi na lulan ng isa sa mga fishing vessels na illegal na nangingisda sa karagatan ng Pilipinas sa area ng Batanes.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ang gobyerno ng Pilipinas ay ipinapahatid ang sinserong paghingi ng paumanhin at pakikiramay sa pamilya ng Taiwanese fisherman na nasawi noong Mayo 9 sa engkwentro sa mga PCG sa Batanes.

“We extend our sincere and deepest sympathies and condolences to the bereaved family of the victim,” wika pa ni Usec. Valte.

Aniya, nagtungo na mismo si Mr. Antonio Basilio, kinatawan ng Manila Economic and Cultural Office sa Taiwan, sa pamilya ng Taiwanesae na nasawi sa insidente upang ihatid ang paghingi ng paumanhin ng gobyerno.

Nagbanta ang Taiwan government na magpapatupad ng freeze hiring ng mga OFW’s sa Taiwan kapag hindi humingi ng dispensa ang gobyerno ng Pilipinas.

ANIYA

BATANES

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

MANILA ECONOMIC AND CULTURAL OFFICE

MR. ANTONIO BASILIO

NAGBANTA

PHILIPPINE COAST GUARD

PILIPINAS

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with