^

Bansa

Ombudsman case vs ex-Mayor binatikos

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binatikos ng Barangay Captain ng Joaquin, Sto. Tomas, Batangas ang napabalitang sasampahan ng kaso sa Ombudsman si dating Sto. Tomas Mayor Edna Sanchez dahil di-umano sa pagkakabit ng karagdagang linya ng Meralco para sa pagpapagawa ng farm-to-market roads sa barangay noong 2008.

Ayon kay Barangay Captain Joe Fe, imbes na tuligsain dapat papurihan pa ang dating alkalde dahil ang proyekto ay makatutulong ng malaki sa barangay. Dugtong niya, “Nagbigay din ng basketball court donation si Sanchez sa barangay na kinatawan ng mamamayan at kabataan. Bakit di ito pinuna?”

Idiniin ng mga Barangay Captains na ang kasalukuyang alkalde Manding Maligaya ang dapat umanong kasuhan sa Ombudsman dahil di-umano sa kanyang quarry projects sa ibaba ng Mt. Makiling na dahilan daw sa tuwing pagbaha sa Sto. Tomas.

Dahil sa pagbaha ayon sa kanila, napipinsala ng ma­tindi ang mga taga Sto. Tomas sa kanilang kabuhayan at pamumuhay. Isasampa namin sa madaling panahon ang kaso sa Ombudsman.”

Ayon sa independent survey si Sanchez ang nangu­nguna sa eleksyon, 75-15 laban sa kanyang mga katunggali. Sa panunungkulan ni Sanchez magugunita na umunlad ang Sto.Tomas sa negosyo at pag-angat sa kalidad ng buhay ng mga tao. Si Sanchez ay butihing maybahay ng yumaong dating Gob. Armand Sanchez.

 

ARMAND SANCHEZ

AYON

BARANGAY CAPTAIN

BARANGAY CAPTAIN JOE FE

BARANGAY CAPTAINS

MANDING MALIGAYA

SANCHEZ

STO

TOMAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with