‘Money ban’ tuloy
MANILA, Philippines - Hindi babawiin ng Commission on Elections ang “money ban†at sa halip ay maglalabas ng amendatory supplemental resolution kaugnay sa kontrobersiyal na isyu.
Ayon kay Comelec ChairÂman Sixto Brillantes, itutuloy nila ang money ban bagama’t kaliwa’t kanan ang bumabatikos sa kaÂnilang ipinatutupad na batas.
Sa ilalim anya ng amended resolution, ililiÂmita pa rin sa P100,000 ang pag-wi-withdraw kada araw, pero may diskresyon dito ang mga bangko.
“May inilagay kaming provision dun which says that while we are still limiting the withdrawal to P100,000 per day, we are giving discretion to the banks or bank officials since they have what is known as customer relationship. Alam nila kung sino ‘yung kanilang mga customer na nag-wi-withdraw regularly ng lampas ng P100,000, this will fall under the exception.â€
Gayunman, sakali anyang tumutol dito ang Bangko Sentral ng PiliÂpinas (BSP) at tumangging maglabas ng circular sa mga bangko, ang huli ang maaaring makastigo sa bawat transaksyong lampas sa P100,000.
Inaayos pa ng ComeÂlec ang parusa sa mga lalabag sa resolusyon.
Inaasahang mailalabas ang amendatory supÂplemental resolution kaÂhaÂÂpon at agad na magiÂging epektibo, kahit walang pitong araw na publication.
Una nang sinabi ni Pangulong Aquino na baÂgamat maganda ang layunin ng resolution ng Comelec upang malabanan ang vote-buying sa May 13 elections ay marami naman sektor ang maaapektuhan nito.
Magugunita na nagpalabas ng resolution 9688 ang poll body para sa money ban na ang magpapatupad ay ang Bangko Sentral ng PiliÂpinas mula Mayo 8-13.
Kaagad sinalungat ito ng BSP gayundin ng business sector. (May ulat ni Rudy Andal)
- Latest