^

Bansa

4 Pinoy peacekeepers kinidnap ng Syrian rebels

Ellen Fernando, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat na sundalong Pinoy na nagsisislbing kasapi ng United Nations peacekeeping force ang dinukot ng mga rebeldeng Syrian sa Golan Heights, border ng Syria at Israel nitong Martes.

Sa report ng Department of Foreign Affairs, dinukot ang apat habang nagpapatrulya malapit sa Al Jamiah, ang lugar kung saan dinukot din ang 21 Pinoy peacekeepers nitong Marso.

Naka-post sa isang networking site (Facebook) ng Yarmouk Martyrs Brigade rebel group na hawak nila ang apat na Pinoy at nilinaw na para umano sa kanilang seguridad dahil sa nagaganap na bakbakan sa lugar.

Ipinakita rin ang larawan ng apat na Pinoy na may mga suot na blue flak jackets kung saan tatlo sa kanila ay may markang “UN” at “Philippines”.

Sinabi naman ni AFP Spokesman Brig. Gen. Domingo Tutaan Jr., na ang mga dinukot ay isang opisyal at tatlong enlisted personnel.

Ipinarating na nila sa pamilya ng mga bihag ang pagkakadukot sa apat na hindi muna pinangalanan.

Nanawagan na ang pamahalaan sa UN Security Council na gawin ang lahat ng kanilang makakaya at impluwensya upang mailigtas o agarang mapalaya ang mga dinukot na Pinoy.

AL JAMIAH

APAT

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DOMINGO TUTAAN JR.

GOLAN HEIGHTS

PINOY

SECURITY COUNCIL

SPOKESMAN BRIG

UNITED NATIONS

YARMOUK MARTYRS BRIGADE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with