^

Bansa

StratPolls survey… Maliksi umabante pa

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa pagtatapos ng campaign period sa linggong ito ay malinaw na pumapabor ang 1.7 milyong botante sa lalawigan ng Cavite kay LP gubernatorial bet Ayong Maliksi na tinatayang tatambakan ang katunggali na si Lakas candidate Jonvic Remulla ng mahigit 200,000 boto ayon sa Track 3, o final track, ng StratPolls.

Ang lamang ni Maliksi ay umangat pa sa 15.7% mula sa naunang StratPolls track lead na mahigit 10% lang matapos siyang paboran ng 57.9% ng 1,000 respondents mula sa 6 na lungsod at 17 munisipyo ng lalawigan, samantalang 42.2% naman ang pumabor kay Remulla.

Ipinaliwanag ng StratPolls managing director na si Art Valenzuela na batay sa tinawag niyang Theoritical Conversion of Votes (TCV), ang posibleng convertible preference ni Maliksi ay mahigit 700,000 boto para sa kanyang 57.9% vote share, at mahigit 500,000 naman ang posibleng boto na makukuha ni Remulla sa kanyang 42.2%.

“Yan ay kung 80% ang voters’ turnout mula sa mahigit 1.7 milyon na rehistradong botante nitong 2013,” pahayag ng StratPolls managing head, na nagsabi pang 98% ang trust rating ng kanilang survey na may humigit-kumulang sa 2.8% lamang na pagkakamali.

Pero nilinaw ng nasabing opisyal ng StratPolls na ang TCV ay hindi nangangahulugang pantiyak ito sa resulta ng pilian para sa pagka-gobernador, kundi magsisilbing gabay lamang ito sa mga gumagamit ng datos o resulta ng pagpulso para arukin ang tunggalian sa halalan.

Ayon sa nasabing opisyal, ang StratPolls ay gumagamit ng Gallup Polls Method sa daglian pero maingat at may istratehiyang pagpili ng survey respondents na magkakalayo ang tirahan upang maiwasan ang tinatawag na “statistical, social at political biases.”

Idinagdag pa nito na sa tanong na “kung ngayon gaganapin ang halalan, sino ang iboboto mo sa pagka-gobernador” ay personal at harap-harapan ang interview ng mga bihasang StratPolls field researchers at ang resulta ng panayam ay na dinu-double check pa rin ng team leaders.

vuukle comment

ART VALENZUELA

AYON

AYONG MALIKSI

GALLUP POLLS METHOD

JONVIC REMULLA

MALIKSI

REMULLA

STRATPOLLS

THEORITICAL CONVERSION OF VOTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with