^

Bansa

Bride, 4 pa dedo sa limousine fire

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang Pinay na bagong kasal at apat pang kasamang babae ang natusta matapos na magliyab ang kanilang sinasakyang li­mousine habang patungo sa isang bridal shower party sa California upang ipagdiwang ang kanyang katatapos na kasal sa Estados Unidos noong Sabado ng gabi.

Base sa report na nakarating sa Department of Foreign Affairs (DFA), kinilala ang nasawing Pinay na si Neriza Fojas, 31 ng Fresno, California.

Ang apat pang nasawi na kababaihan ay nagkaka-edad naman  ng 30 hanggang 40 na hindi binanggit ang kanilang nationality. Sila ay isinugod sa pinakamalapit na ospital sa lugar at ginagamot na bunsod sa tinamong pagkasunog ng ibang bahagi ng kanilang katawan.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez, inatasan na ng DFA ang Philippine Consulate General sa San Francisco, na maki­pag-ugnayan sa US authorities para sa pagkakakilanlan ng mga biktima ng nasabing sunog.

Ayon kay Hernandez, nagsasagawa pa ng im­bestigasyon  ang California Highway Patrol hinggil sa pagkakatupok ng nasabing limousine na pagmamay-ari ng LimoStop Inc. na nakikipagtulungan na sa US authorities. 

Base sa report, nakatakbo at nakaligtas sa nasabing insidente ang driver ng puting Lincoln town limousine na nakila­lang si Orville Brown, 46, at sumunod na nakalabas ang apat pang babae na kabilang sa mga sakay nito nang biglang masunog ang sasakyan dakong alas-10:00 ng gabi noong Sabado (oras sa Amerika) habang ang lima kabilang ang nasabing Pinay bride ay na-trap sa loob ng nasusunog na sasakyan.

Base sa inisyal na report, habang patungo ang mga biktima sa wedding o bridal shower sa Foster City nang biglang umusok at magliyab ang limousine na kanilang sinasak­yan habang binabagtas ang San Mateo bridge sa Highway 92 na nasa katimugang bahagi ng San Francisco.

Ayon sa report ng The Chronicle, ang Pinay na bagong kasal ay plano ring umuwi sa Pilipinas para sa panibagong sere­monya sa susunod na buwan.

 

AYON

CALIFORNIA HIGHWAY PATROL

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ESTADOS UNIDOS

FOREIGN AFFAIRS SPOKESMAN RAUL HERNANDEZ

FOSTER CITY

ISANG PINAY

PINAY

SAN FRANCISCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with