^

Bansa

Diskwento sa pagkain hiling sa DTI Nagugutom na batang Pinoy dumarami

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng pagkadismaya si Cagayan Rep. at United Nationalist Alliance (UNA) senatorial candidate Jack Enrile sa patuloy na pagdami ng mga batang Pilipino sa buong bansa na nagugutom o walang makain.

Ginawa ni Enrile ang pahayag kasunod ng bagong datos na ipinalabas ng National Statis­tical Coordination Board hinggil sa insidente ng kahirapan sa Pilipinas na taliwas naman sa sinasabing paglago ng ekonomiya ng bansa.

Ayon naman sa Akap Bata partylist na isang children’s advocacy group, 12.4 milyong bata sa buong Pilipinas ang itinutu­ring na wala halos makain o food poor bukod pa ito sa limang milyong child laborer at dalawang milyong street children sa bansa. Pinuna ni Enrile na sobrang napakalaki ng bi­lang na ito at nakakalungkot.

Aniya, walang kahu­lugan ang ipinagmama­laki ng pamahalaan na paglago ng ekonomiya sa mga mahihirap na “kumakalam” ang sikmura.

Hinimok din ni Enrile ang Department of Trade and Industry (DTI) na dagdagan pa ang ka­ nilang nationwide “Diskwento Caravan” ng mas maraming food products na affordable o abot-kaya sa masang Pilipino.


Ang naturang caravan na nag-iikot sa mga lungsod at mga muni­sipalidad sa bansa ay nilalahukan ng mga manufacturer ng mga items tulad ng generic medicine, tinapay, sardinas, mantika, processed meat, prutas, gulay, sabon at mga school supplies.


Ayon kay Enrile, ang Diskwento Caravan ay ma­laking tulong sa mga consumer na kakaunti la­mang ang budget ka­ya’t magandang ideya aniya kung ang naturang proyekto ay regular nang isasagawa sa buong taon.

Isinusulong ni Enrile ang Food Master Plan na nakasaad sa House Bill 4626 o ang Food for Filipinos, na siyang unang panukala na inihain niya sa Kongreso.

 

vuukle comment

AKAP BATA

AYON

CAGAYAN REP

COORDINATION BOARD

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

DISKWENTO CARAVAN

ENRILE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with