^

Bansa

Mancao aalisin sa WPP ng DOJ

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dala umano ng kahihiyan ng Department of Justice sa pagpuga ni dating Police Sr. Supt. Cesar Mancao sa National Bureau of Investigation (NBI), pinag-aaralan na ni Justice Secretary Leila de Lima ang pagtatanggal nito sa Witness Protection Program.

Ayon kay de Lima, kailangan niyang tanggalin sa WPP si Mancao upang mapangalagaan ang integri­dad ng ahensiya. Lalo pa aniyang nakakadagdag ng ka­hihiyan sa pamahalaan ang mga on-cam interview kay Mancao na patuloy na nakikita sa telebisyon ngu­nit hindi matagpuan ng NBI. Dapat aniyang isipin ni Mancao­ na marami pang mahalagang trabaho ang NBI na dapat pagtuunan ng pansin bukod sa paghabol sa kanya.

Una nang inamin ni NBI director Nonnatus Rojas na hindi nila matunton ang kinaroroonan ni Mancao na nakikitang kinakapanayam pa ng live sa telebisyon at mga himpilan ng radyo dahil sa kawalan ng sapat na teknolohiya.

Una nang ibinunyag ni Mancao na si dating PNP chief na ngayon ay si Sen. Panfilo Lacson ang umano’y utak sa Dacer-Corbito double murder case kasama ang ilang opisyal  at tauhan ng binuwag na Presidential Anti-Organized Crime Task Force o PAOCTF.

 

CESAR MANCAO

DEPARTMENT OF JUSTICE

JUSTICE SECRETARY LEILA

MANCAO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NONNATUS ROJAS

PANFILO LACSON

POLICE SR. SUPT

PRESIDENTIAL ANTI-ORGANIZED CRIME TASK FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with