‘Media killings lutasin’
MANILA, Philippines - Kasunod ng paggunita ng World Press Freedom day pinamamadali ni Agham partylist Rep. Angelo Palmones ang pagdinig sa mga kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag matapos ang ulat na ang Pilipinas ay pangatlo sa buong mundo kung saan talamak ang media killings.
Tinukoy sa impunity index ng committee to protect journalist na nakabase sa New York ang hindi malutas na mga kaso ng pagpatay sa media bunsod sa corruption at mahinang sistema ng hustisya sa bansa.
Wika ni Palmones na dati ring broadcaster, masÂyadong nakakabahala ang ganitong ulat kayat dapat lang na tugunan agad ng pamahalaan ang nasabing problema.
Hindi anya katanggap-tanggap ang anumang karahasan laban sa mga mamamahayag na kumakatawan lang sa opinyon at pananaw ng bawat Pilipino.
- Latest