MANILA, Philippines - Inutos na ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Arthuro Cacdac Jr. na kumpirmahin ang ulat hinggil sa umano’y kumakalat na drug money na ginagamit diumano ng ilang pulitiko sa kanilang pangangampanya sa Caloocan.
Ayon kay PDEA Director Derrick Carreon, Public Information Officer ng PDEA, nakarating na sa kanilang ahensiya ang liham o reklamo ni Arturo Magbanua ng grupong United Movement Against Drugs (Uni-Mad) -Caloocan na tinanggap ng PDEA Office of the Director General (ODG), matapos ang pagkakadawit umano ng vice mayoral candidate na si Antonio “Nani†Almeda sa isyu ng milyong halaga ng shabu na nakumpiska sa American disc jockey na si Brian Hill sa Makati City nung nakaraang Nobyembere. Si Almeda ay running mate ni Rep. Oca Malapitan na kumakandidatong alkalde.
Umani naman ng suporta mula sa Bantay Daya coalition ang panawagan ng Uni-Mad sa PDEA upang matigil na ang operasyon ng iligal na droga sa lungsod.
Ayon sa Uni-Mad, ang Bagong Barrio sa Caloocan ay bagsakan umano ng iligal na droga sa Caloocan City.
Ayon kay Carreon, matagal nang may “narco politics†sa bansa isa na nga dito ang isang provincial board member sa Mindanao na nahuli kamakailan ng PDEA sa pagbebenta ng pinagbabawal na droga at ngayon ay naÂsentensyahan ng habambuhay na pagkakabilanggo sa kasong paglabag ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Kinumpirma din ni CarÂreon na mula sa kaniÂlang datus at sa datus ng NBI at PNP, lumalabas na 92 percent ng Metro Manila ang apektado ng droga kung saan kasama na ang Caloocan.