MANILA, Philippines - Kinansela na kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang leave o bakasyon ng 140,000 pulis bilang bahagi ng Oplan Last Two Weeks na tatagal hanggang Mayo 16 para sa pangangalaga ng seguridad ng halalan sa bansa.
Ayon kay PNP Chief Director General Alan Purisima, karagdagang 30,000 tauhan ang idedeploy sa mga election hot spots na nauna ng tinukoy ng Comelec kabilang ang mga lalawigan ng Abra, Pangasinan, Ilocos Sur, La Union, Cagayan, Pampanga, Nueva Ecija, Batangas, Cavite, Masbate, Samar, Misamis Occidental, Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, Misamis Oriental at Sulu.
Sa Mayo 13, tinataÂyang mahigit 50 milyon ang boboto para sa 12 senador, partylist groups, kinatawan ng Kamara at mga lokal na kandidato.