^

Bansa

Tax evasion vs ex-CJ Corona

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inirekomenda na ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kasong tax evasion sa Court of Tax Appeals (CTA) laban kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

May nakitang pro­bable cause umano ang DOJ para isampa na ang kaso na inihain ng Bureau of Interna­l Revenue (BIR) kung saan inakusahan nito ang dating punong mahistrado ng pagtatangka na umiwas sa pagbabayad ng tax liabilities na umano’y isang paglabag sa Section 254 ng National Internal Re­venue Code of 1997.

Nabigo umano na magsumite ng returns at magdeklara ng tamang tax information para sa taong 2003, 2005, 2007, 2008, at 2010 si Corona, bukod pa sa hindi pagdedeklara ng kaniyang statement of assets and liabilities (SALN) ang condominium unit sa The Columns sa Ayala Ave­nue, na nabili niya sa halagang P3.6 milyon noong 2004, at ang property sa Fort Bonifacio na nagkakahalaga ng P9.16 M na nabili naman niya nuong 2005.

Aabot umano sa P120.5 M ang utang sa buwis ni Corona sa loob ng 9 na taon niya sa public office.

 

AABOT

AYALA AVE

BUREAU OF INTERNA

COURT OF TAX APPEALS

DEPARTMENT OF JUSTICE

FORT BONIFACIO

INIREKOMENDA

NATIONAL INTERNAL RE

SUPREME COURT CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with