^

Bansa

Parusa sa pabayang magulang hihigpitan

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mas mataas na parusa para sa mga magu­lang na mabibigong mag­bigay ng suporta at obligasyon sa kanilang mga anak ang isusulong ni Manila 4th district Rep. Ma. Theresa Bonoan-David

Sa pagbubukas ng 16th Congress ay muli nitong ihahain ang House bill 5132 na magbibigay parusa sa mga magulang na tatakasan ang ka­ni­lang financial responsibi­lity sa kanilang mga anak.

Polisiya umano ng estado na protektahan ang karapatan ng mga bata kabilang na dito ang pagbibigay ng tamang pag-aalaga at nutrisyon at proteksyon mula sa lahat ng uri ng pang-aabuso, kalupitan at exploitation.

Nakasaad din sa Article 105 ng Family Code  na obligado ang mga ma­gulang na suportahan ang kanilang mga anak maging legitimate o illegitimate man.

Bagamat obligasyon umano na suportahan ang anak ng parehong magulang, mayroon pa ring iilan na tumatangging magbigay ng financial support sa kanilang mga anak kahit na may kakayahan naman ang mga ito.

 

vuukle comment

ANAK

BAGAMAT

FAMILY CODE

KANILANG

NAKASAAD

POLISIYA

SHY

THERESA BONOAN-DAVID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with