P51M sa ‘ghost employees’ nabisto ng COA
MANILA, Philippines - Kinuwestiyon ng ComÂmission on Audit (COA) ang umano’y paggastos ng mahigit P51-milyon para sa suweldo ng mga job order (JO) emploÂyees na nakapasok noong 2010 ng pamahalaang lokal ng Pantabangan sa Nueva Ecija.
Tinatawag na JO ang mga empleyadong reÂgular casual, consultant, general utility o janitorial services.
Sa COA audit noong 2010 ay nasilip na mayroong 306 JO emplo yees ang tanggapan ni Mayor Romeo Borja, Sr. para lamang sa Enero 2010 kung saan 202 dito ay mayroong posisyon na hindi bababa sa Administrative II level. Samantala, ang tanggapan ng anak nito na si Vice Mayor Romeo Borja Jr. ay mayroong 20 Legal ReÂsearchers sa katulad na buwan.
Ang iba pang tanggapan na sinasabing mayroong kwestiyonableng JO employees ay kinabibilangan ng District Office ng Department of Education na may 51, Municipal School Board (527), habang ang ibang public schools sa Pantabangan ay mayroong 172 security guards, 229 utility at iba pang ‘hindi kailangang’ empleyado.
Sa paliwanag ng COA, ang naturang gasÂtusin ay maituturing na ‘hindi kailangan at maanoÂmalya.’ Iniutos ng COA sa pamahalaang lokal ng Pantabangan na sampahan ng kaukulang kaso ang mga sangkot na opisÂyal sa maanomalyang tranÂsaksyon, bukod pa sa dapat ipaliwanag kung bakit kailangang kumuha ng serbisyo ng napakaÂraming JO employees.
Ayon sa grupong La Solidaridad, isang cause-oriented group sa Pantabangan na luma laban sa katiwalian, hindi maipagkakaila na karamihan sa mga job orders ay mga “ghost employees†nang matuklasan na ang pagkuÂbra ng mga suweldo ay walang kaukulang daily time records, accomplishment reports at contract of services. Natuklasan din aniya ng COA na mayroong mga pagkubra ng sweldo ng magkaparehong tao kabilang ang Mayor’s Office.
Hindi umano maipagkakaila na walang saÂpat na pangangailangan upang kumuha ng natuÂrang JO employees ayon sa COA report na nagsasabing “ang mga job orders na kinuha ay may tungkulin na katulad o duplikasyon ng trabaho ng mga regular na empleÂyado.â€
- Latest