PNP nakatutok sa 180 pol. rivalry
MANILA, Philippines - Umabot sa kabuuang 180 mga insidente na may mahigpit na labanan sa politika ang minomonitor ng PNP.
Sa record ng Philippine National Police, pinakamarami sa mga ito ay ang labanan sa pagka-alkalde na nagtala ng 137.
Habang may 18 intense political rivalry incidents ang naitala ng kapulisan sa congressional seats at 17 naman sa posisyon sa pagka gubernador. Mayroon namang pitong insidente ng matinding labanan sa politika na naitatala sa vice mayoralty post habang isa sa posisyong bise gobernador.
Ayon kay PNP spokesman police chief Supt Generoso Cerbo Jr., isa sa paraang ipinatutupad nila para mapigilan ang anumang karahasan na dala ng matinding labanan sa pwesto ay ang paglulunsad ng mga peace covenant.
Sinabi ni Cerbo na may 356 peace covenant na ang naiÂlunsad nila sa buong bansa na nilagdaan ng 20 gobernador, 38 congressman at 497 alkalde sa buong bansa.
- Latest