9 sa 10 rider namamatay dahil walang helmet
MANILA, Philippines - Siyam sa 10 motorcycle riders ang namamatay dahil walang suot na helmet.
Base sa Online National Electronic Injury Surveillance System (ONEISS) ng DOH, binabawian na ng buhay bago pa man madala sa ospital o dead-on-arrival ang mga pasÂyente na naaksidente ng hindi naka-helmet.
Ang naturang ulat ay bahagi ng kabuuang 13,883 mga kaso ng mga nasaktan o napinsala sanhi ng disgrasya sa motorsiklo sa huling bahagi ng 2012 na kinalap mula sa 86 na mga pampubliko at pribadong ospital.
Mahigit kalahati o 59.8 percent ng total reported injury cases ay kinasasangkutan ng mga nasa pagitan ng edad na 20-59 anyos na ang karamihan ay mga lalaki. Umaabot naman sa 34.7 percent ng mga nadisgrasya ay mga bata na hanggang 19 anyos.
Inirekomenda naman ng DOH ang “safety first mindset attitude†para sa mga nagmamaneho ng motorsiklo na ayon kay Health Sec. Enrique Ona ay kapwa responsibilidad ng bawat indibiduwal at ng lahat ng mga gumagamit ng kalsada.
- Latest