Apela ng league of provinces sa mining act ibinasura ng SC
MANILA, Philippines - Ibinasura ng Supreme Court ang petisyong inihain ng League of Provinces of the Philippines na kumukwestiyon sa ligalidad ng ilang probisyon ng Local Govt. Code of 1991 at People’s Small-Scale Mining Act of 1991.
Sa 20-pahinang desisÂyon ng Supreme Court En Banc, ibinasura nito ang petition for certiorari na inihain ng League of Provinces dahil sa kawalan ng merito.
Partikular na kinuwestiyon ng mga petitioner ang Section 17 ng Local Govt Code na nagsasabing may kapangyarihan ang pamahalaang panlalawigan na magpatupad ng forestry law at small scale mining law pero ito ay sa ilalim ng umiiral na national policies at sakop din ng kontrol at review ng DENR.
Kinuwestiyon din nila ang Section 24 ng People’s Small Scale Mining Act kung saan nakasaad na ang provincial mining regulatory board ay nasa ilalim ng supervision at kontrol ng DENR Secretary.
Ayon sa mga petitioner, labag ang mga nasabing probisyon sa 1987 ConsÂtitustion dahil salig umano sa Article 10, Section 4, ang Pangulo ay mayroon lamang general supervision sa mga lokal na pamahalaan.
Pero sa desisyon ng SC, tinukoy nito na sa ilalim ng Section 2, Article 12 ng Konstitusyon, ang exploration, development at paggamit ng natural resources ay nasa ilalim ng full control at supervision ng estado.
Nilinaw din ng SC na ang local autonomy na ginagarantiyahan ng KonsÂtitusyon ay tumutukoy lamang sa administrative autonomy.
- Latest