Abante sinisi sa pro-gay bill
MANILA, Philippines - Ilang personalidad sa pulitika ang nasisisi kung bakit patuloy na nabibitin sa Kongreso ang mga panukalang-batas para sa kapakanan ng mga lesbian at gays.
Sa rekord ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, lumalabas na isa si dating Manila 6th District Rep. Benny Abante sa umano’y tumutol sa panukala para sa third sex na mas kilala bilang HB 634 o Anti-Discrimination Bill na isinulong ni dating Partylist Rep. Etta Rosales noong 2006. Nang panahong iyon ay naitalaga si Abante bilang tagapangulo ng Committee on Civil, Political and Human Rights.
Sa panunungkulan noon ni Abante, natengga nang natengga hanggang sa mabaon sa limot ang naturang panukala na dapat sana ay naisabatas na makaraang mailusot sa ikatlong pagbasa ng naunang Kongreso.
Ito umano ang sinasabing mabigat na dahilan kung bakit hanggang ngayon ay tutol na tutol pa rin ang Lesbian and Gay Legislative Advocacy Network (LAGABLAB-Pilipinas) na makabalik si Abante sa Mabang Kapulungan ng Kongreso.
- Latest