Loren, Alan agawan sa no.1
MANILA, Philippines - Posible nang maagaw kay Sen. Loren Legarda ang top 1 post sa Magic 12 at isa si Sen. Alan Peter Cayetano sa magiging mahigpit nitong katunggali para sa No 1 spot.
“Even if Sen. Legarda has been leading the pre-poll senatorial race there is a possibility the standings will change radically once the polling precincts open at 7 a.m. on May 13, 2013,†base sa naging assessment ni Ed Malay, director ng Issues and Advocacy Center (The Center).
Sa pinakahuling survey noong April 13-19, 2013 sa may 1,200 respondents ay nasa No. 1 spot pa rin si Legarda na may 56 porsiyento ngunit halos kadikit na nito si Cayetano na may 53%.
Ipinaliwanag ng The Center na maliit na puntos na lamang ang agwat sa No. 1 at No. 2 sa Magic 12 kaya naman malaki ang posibilidad na maagaw kay Legarda ang matagal na nitong pangunguna sa senatorial race lalo at malaki umano ang itinataas sa mga survey ni Cayetano.
Sa nakalipas na 2007 senatorial election ay si Legarda at Sen. Chiz Escudero ang naglalaban sa No. 1 spot gayundin sa mga nakalipas na survey para sa 2013 polls subalit bumulusok na pababa ng Magic 12 si Escudero dahil na rin sa naging negatibong epekto sa kanyang kandidatura ng hidwaan nito sa mga magulang ng kasintahan na si Heart Evangelista.
- Latest