^

Bansa

Video sa anti drug drive ipinanukala

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinapanukala ng isang kongresista ang paggamit ng camera at video para mairekord ang mga operasyon ng mga awtoridad laban sa bawal na gamot.

Sinabi ni Manila Congresswoman Trisha Bonoan-David na kaila­ngang magdala ng video at camera ang mga awtoridad para maiwasang pumalpak ang mga kaso laban sa mga nahuhu­ling drug pusher at user.

Inihalimbawa ng kongresista ang kaso ng “Alabang Boys” kung saan nabasura ang kaso laban sa umano’y drug dealers na nahuli sa isang buy-bust operation dahil sa ilang kapalpakan.

Bukod dito, ilang mga naarestong drug dealers at drug-pushers ang napawalang-sala dahil sa kabiguan umano ng umarestong pulis o opisyal sa maayos na pangongolekta at pag­hawak ng ebidensiya.

Upang maiwasan ang ganitong kapalpakan, dapat gawing mandatoryo ang pagdadala ng arresting officers, partikular na ng PDEA, ng camera at video camcorder upang mai-record at maisadokumento ang aktuwal na search and seizure process upang magsilbing suporta sa isinusumiteng ebidensiya sa korte.

ALABANG BOYS

BUKOD

DRUG

INIHALIMBAWA

IPINAPANUKALA

MANILA CONGRESSWOMAN TRISHA BONOAN-DAVID

SINABI

UPANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with