PLDT picket payapang nagwakas
MANILA, Philippines - Nilinaw kahapon ng management ng Philippine Long Distance Telephone Co. na walang naganap na karahasan sa picket line ng mga nagpo-protestang dating kawani ng Digitel sa harapan ng opisina ng PLDT sa Makati.
Ayon kay PLDT spokesman Mon Isberto, maayos na nilisan ng may 30 dating empleyado ng Digitel ang kanilang piket sa Makati City main office ng PLDT noong Abril 21, taliwas sa naglabasang balita na umano’y may gulo sa nagawang paglipat.
Ani Isberto, naka-video ang matiwasay na pag-uusap ng mga security guards ng PLDT at mga nagpoprotesta, pati ang kusang-loob na paglisan ng huli sa loob ng property ng PLDT.
Sinabi rin ni Isberto na hiniling lang ng PLDT sa mga nagpuprotesta na huwag sa mismong property ng PLDT nila isagawa ang piket dahil naapektuhan na ang mga empleyado at mga kustomer ng PLDT.
Sa kasalukuyan ay sa pampublikong lugar na sila nagpipiket sa bangketa sa tapat ng PLDT main office.
“Nirerespeto ng PLDT ang malayang paglalabas ng saloobin ng mga nagpoprotesta kung kaya matagal rin nitong hinayaan ang mga nagpipiket na manatili sa loob ng bakuran ng kumpanya,†ani Isberto.
Ang may 140,000 landline subscribers ng Digitel ay ini-absorb ng PLDT nang ang operasyon ng una ay hindi na maka-adopt sa technological advances dahil sa mga antiquated equipment.
- Latest