Paghahanap ng trabaho ng fresh grads padadaliin
MANILA, Philippines - Ang pagsulong ng mga skills matching at National Internship Programs sa kolehiyo ang nakikitang solusyon para mas mapadali ang paghahanap ng trabaho ng mga fresh graduates sa bansa.
Ani Team PNoy senaÂtoriable Benigno Bam Aquino, na kasalukuyang umiikot ngayon sa Dipolog, kapag nakonekta natin ang mga pangangailaÂngan ng mga industriya sa mga itinuturo ng mga paaralan, mas magiging qualified ang mga graÂduates sa mga trabaÂhong nakaabang sa kanila. Mas mapapadali ang paghanap nila ng mapagkakakiÂtaan at bababa rin ang unemployment sa bansa.
Sa ilalim ng mga programang ito, paiigtingin pa ang koordinasyon at pagtutulungan ng mga paaralan at ng mga industriya para maituro na sa kolehiyo o sa mga technical-vocational schools ang mga skills na kailangan ng mga lokal na industriya. Ang National Internship Program naman ay magbibigay ng exposure sa mga estudyante sa mga lokal na industriya’t kumÂpanya para mabigyan sila ng on-the-job training bago magtapos ng kaÂniÂlang pag-aaral.
Ayon pa kay Bam, na isang summa cum laude at valedictorian ngunit mas piniling magsilbi sa taumbayan, na ang kalidad ng edukasyon ng ating mga kabataan ang susi sa pag-ahon ng kanilang mga pamilya mula sa kahirapan.
- Latest