NSCB: Report sa poverty tama
MANILA, Philippines - Nanindigan ang National Statistical Coordination Board (NSCB) na tama ang kanilang report hinggil sa poverty data matapos magduda si Pangulong Aquino sa nasabing report na itinaon na nasa Brunei pa ang chief executive at dumadalo sa 22nd ASEAN Summit.
Sinabi ni Bernadette Balamban, hepe ng NSCB division na naglabas ng nasabing report, taliwas sa paniwala ng Pangulo na mali ang data na ginamit sa nasabing report ay iginiit nitong hindi nila ginamit ang maling NSO population sa ARMM noong 2007.
Ayon kay Balamban, 2010 NSO data ang kanilang basehan at kanilang pinapanindigang tama ang report kung saan ay lumitaw na 28 percent pa rin ng Filipino ang mahihirap sa bansa na walang pagbabagong naganap sa nakalipas na 6 na taon.
Nagulat daw sila sa reaksyon ng Pangulo pero hindi naman sila apektado dahil hiwalay sila sa mga policy makers at hindi maaring diktahan.
- Latest