^

Bansa

14 signal jammers nasamsam

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Labing-apat na signal jammers ang nasamsam ng PNP-Anti-Cybercrime Group kasunod ng pagkakaaresto sa apat katao sa unang araw ng crackdown operation sa entrapment sa Caloocan City, kahapon.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo Jr.,nagsagawa ng entrapment operation ang PNP-ACG sa pamumuno ni Supt. Bernard Yang sa 79, 84 at 4th Ave­nue, Grace Park, Caloocan City matapos i-tip ng isang concerned citizen ang mga taong nagbebenta ng signal jammers sa internet.

Sa pamamagitan ng impormante ay nakipag-communicate ng mga awtoridad sa ibinigay na cellular phone number ng nagbebenta na ipinoste sa website ng www.sulit.com.

Ang raid ay sinaksihan ng mga personnel ng National Telecommunications Commission (NTC) na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspect na sina Giovanni Penaloza Dee Tan, may-ari ng Zellnor International Merchandising at Brand Philippine.Com. Inc., at mga empleyado nito na sina Matthew Mercado, Rommel Ogo at Betsayda Bueda.

Nabatid na ang mga signal jamming device ay may kapasidad na humarang ng signal ng mga cellphone at wifi hanggang 20 metro at banta sa kasagraduhan ng midterm elections sa Mayo.

Nitong Huwebes ay nagbabala sina DILG Secretary Mar Roxas at Comelec Chairman Sixto Brillantes na maaring masabotahe ng mga signal jammers ang pagta-transmit ng resulta ng eleksyon sa mga Precint Count Optical Scan (PCOs) sa panahon ng canvassing.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act No. 1937 (Tariff and Customs Act) at RA 8792 (E-Commerce Law) laban sa mga nasakoteng suspek.

 

ANTI-CYBERCRIME GROUP

BERNARD YANG

BETSAYDA BUEDA

BRAND PHILIPPINE

CALOOCAN CITY

COMELEC CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

E-COMMERCE LAW

GENEROSO CERBO JR.

GIOVANNI PENALOZA DEE TAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with