Ligot pinaaaresto ng Sandiganbayan
MANILA, Philippines - Pinaaaresto ng Sandiganbayan First Division si retired Lt. Gen. Jacinto Ligot, dating comptroller ng Armed Forces of the Philippines dahil sa kasong 11 counts ng perjury na isinampa dito ng tanggapan ng Ombudsman noong April 13.
Si Ligot ay nakakalaya sa piyansang P6,000 kada count ng kasong perjury o may kabuuang P66,000.
Ang warrant of arrest ay nilagdaan nina Associate Justices Rodolfo A. Ponferrada, Rafael R. Lagos at Efren N. dela Cruz, division chairman at ang kopya nito ay agad na naipamahagi sa National Bureau of Investigation, Quezon City Police District, PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at NatioÂnal Capital Region Police Office (NCRPO).
Bukod dito, inutos din ng Sandiganbayan sa Bureau of Immigration na isyuhan ng hold departure order (HDO) si Ligot upang maiwasang makalabas ito ng bansa.
Ang kasong perjury ay may may kaugnaÂyan sa forfeiture case ni Ligot, sa asawang si Erlinda Yambao Ligot, kanilang anak na sina Paulo Ligot, Riza Ligot, Miguel Ligot, at pinsan na sina Edgardo Yambao at Miguela Paragas para maibalik sa gobyerno ang di maipaliwanag na yaman ng mga ito na may halagang P135.28 million.
- Latest