Alay Kapatiran ni RJ malaki ang naitulong sa mga barangay
MANILA, Philippines - Umabot na sa 60 opisyales ng barangay sa Caloocan City ang natulungan ng “Alay Kapatiran†na ipinatutupad ni Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Councilor Ricojudge “RJ†Echiverri na layuning matulungan ang mga opisyales ng barangay na namamatay sa sakit at aksidente. Ang Alay Kapatiran ay sinimulan noong 2007 hanggang sa kasalukuyan kung saan ay nakatanggap ang pamilya ng mga namatay na barangay officials ng P50,000 bawat isa.
Ayon kay RJ, malaking tulong ang naibigay ng Alay Kapatiran sa pamilya ng mga nasawing opisyales ng barangay dahil sa pamamagitan nito ay maaaring makapagsimula ng panibagong buhay ang mga naulila ng yumao nilang kaanak. Sa kasalukuyan, ginagaya na rin sa buong bansa ang programang ito ni RJ dahil sa tulong na maipagkakaloob nito sa pamilyang maiiwan ng mga namatay na opisyales ng barangay sa Pilipinas.
Bukod sa programang ito, patuloy din ang pagbibigay ng medical assistance ni Echiverri sa mga opisyales ng barangay na nararatay sa karamdaman kung saan ay nabibigyan ang mga ito ng P6,000 sa kapitan ng barangay habang P4,000 sa mga kagawad, secretary at treasurer.
- Latest