^

Bansa

500 sundalo ikakalat sa M.O.

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang batalyon pa na may kabuuang 500 sundalo ang idedeploy ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Misamis Oriental bunga ng tumitinding karahasan na inihahasik ng mga rebeldeng New People’s Army.

Ang hakbang ay kasunod ng pananam­bang kay Gingoog City, Misamis Oriental Mayor Ruthie de Lara Guingona, misis ni ex-Vice President Teofisto Guingona at ina ni Senador Teofisto “TG” Guingona sa Barangay Binakalan noong Sabado ng gabi.

Nabatid na dalawang araw bago ang pananambang kay Mayor Guingona ay hinarang  ng mga rebelde ang convoy ni Mayor Manuel Pamisa Jr. ng Lagonglong, Mi­samis Oriental sa Barangay Banglay kung saan patungo sa campaign rally.

Bagaman hindi si­naktan ang alkal­de ay tinakot ito na magba­yad ng permit to campaign( PTC) fees kung di-nais na masabotahe ang pangangampanya nito.

Ayon kay AFP Vice Chief of Staff Lt. Gen. Alan Luga, sa kasalukuyan ay may dalawang batalyon ng sundalo sa lalawigan at karagdagang puwer­sa na lamang ang 500 pang sundalo para mapanatili ang peace and order.

 

ALAN LUGA

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BARANGAY BANGLAY

BARANGAY BINAKALAN

GINGOOG CITY

LARA GUINGONA

MAYOR GUINGONA

MAYOR MANUEL PAMISA JR.

MISAMIS ORIENTAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with